Matapos ang nangyaring sunog sa Manila Central Post Office noong nakaraang buwan, idineklara ng Bureau of Fire Protection (BFP) na isa itong aksidente.

Ang sunog ay iniuugnay sa pagsabog ng mga baterya ng sasakyan na nakaimbak sa basement ng gusali.

“On the determined cause of fire, it has been established based on the pieces of evidence gathered, that the statement of the witness and the result of the laboratory examinations, that the cause of fire is attributed to sudden self-discharge of car battery (sulfation) resulting to thermal run-away, causing sudden build-up of heat and pressure and eventually cause the explosion,” ayon sa Philippine Postal Corporation (PHLPost).

Matatandaang ang nangyaring sunog sa Manila Central Post Office ay umakyat pa sa pinakamataas na fire alarm level, ang general alarm.

(CS)

See Related Stories Here:

Sunog sa Manila Central Post Office pinaiimbestigahan sa Kamara

Cayetano: ‘Wake-up call’ ang sunog sa Manila Post Office

The post BFP idineklarang aksidente ang nangyaring sunog sa Manila Central Post Office first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT