Nagpahayag ng suporta si Senador Bong Go sa Cebu Pacific subalit nakiusap itong resolbahin agad ang mga daing o reklamo ng kanilang mga pasahero.

“Gusto kong ipaalam na malaki ang tiwala ko sa Cebu Pacific. In fact suki ako ng Cebu Pacific kapag umuuwi ako ng Mindanao. Many times, on time naman ang Cebu Pacific,” pahayag ni Go sa joint hearing ng Committee on Tourism at Committee on Public Services.

“May pagkakataon nga inaaannounce pa nila na ahead of time sila, we are 20 minutes ahead of time, 30 minutes ahead of time. For this I commend them,” dagdag pa niya.

Gayunpaman, kinikilala ni Go ang concern ng mga pasahero at hinimok ang Cebu Pacific na aksyunan ang kanilang mga reklamo.

“I am urging Cebu Pacific to acknowledge the impact of these incidents on the affected passengers, particularly OFWs and tourists who rely heavily on your services. They deserve your utmost sympathy and support,” sabi ni Go.

“I call upon the airline to take immediate action and rectify these issues to prevent further harm to their customers,” dagdag niya. (Dindo Matining)

See Related Story Here:

Bong Go: Serbisyo medikal mas mapapalapit sa mga tao dahil sa mga specialty center

Netizen imbyerna sa aberya sa Cebu Pacific

The post Bong Go sa CebuPac: Solusyunan reklamo ng mga pasahero first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT