Na-monitor ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang dalawang volcanic tremor sa Bulkang Taal.

Ayon sa report ng Phivolcs, nagkaroon ng volcanic tremor sa Taal hanggang mula alas-6:35 ng umaga noon pang Biyernes.

Nananatili pa rin sa ilalim ng Alert Level 1 ang Taal, kung saan bawal pa rin pumasok ang mga tao sa isla nito.

Maging ang paglaot sa Taal Lake ay hindi pa rin pinapayagan.

Abot sa 5,831 tonnes ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan, at napansin din ang pagtaas ng volcanic fluid sa main creater ng Taal. (RP)


https://www.youtube.com/watch?v=hK9LElg2EoI

See Related Stories Here:

Call center agent nalunod sa Taal lake

Bulkang Taal aktibo ulit, acid rain nakaamba

The post Bulkang Taal 2 beses inuga first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT