Nasa ilalim pa rin ng Alert Level 1 ang Bulkang Taal at Kanlaon, ito ay ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Matatandaang kamakailan lang ay nakapagtala ang PHIVOLCS ng 11 volcanic earthquakes kabilang na ang apat na volcanic tremor sa Bulkang Taal.

Ang 11 volcanic earthquakes kabilang na ang apat na volcanic tremor ay tumagal ng tatlo hanggang 97 minutos na naitala mula 5 am nitong Biyernes hanggang 5 am ngayong Sabado.

Samantala, ang Kanlaon naman na matatagpuan sa Negros Island ay walang naitalang volcanic earthquakes mula 5 am nitong Biyernes hanggang 5 am ngayong Sabado.

(CS)

See Related Story:

PHIVOLCS nakapagtala ng 11 volcanic earthquakes sa Taal Volcano

The post Bulkang Taal, Kanlaon nasa Alert Level 1 pa rin first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT