Dapat na isaisantabi muna ng gobyerno ang usapin sa Afghan refugees na nais papasukin sa Pilipinas.
Ito ang inihayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang reaksyon sa mainit na isyu ng Afghanistan refugees na nais papasukin ng gobyerno ng Amerika sa Pilipinas.
Ayon sa dating Pangulo, hindi ito ang tamang panahon para pag-usapan ang pagpapapasok ng mga dayuhang nagmula sa isang digmaan.
“My advise to my government is in the meantime, put off plans really of talking about the entry of Afghans. Huwag muna nating pag-usapan yan, it’s not the right time. We just had a curve dito sa ating insurgency problems. There is relatively peace,” saad ng dating Pangulo.
Napalakaki aniya ng Amerika kaya dapat dalhin ang mga Afghan refugee sa kanilang bansa at hindi sa Pilipinas na wala namang kinalaman sa kanilang panloob na usapin.
“Bakit hindi na lang nila dalhin itong 15,000 of more Afghan refugees sa iba? Malawak ang Amerika. Di dalhin na lang nila doon sa Nevada, kalaki ng Amerika. Bakit dalhin pa ninyo dito sa amin?,” dagdag ni dating Pangulong Duterte.
Dapat aniyang magsalita ang militar hinggil sa isyu at hindi lamang ang mga pulitiko at Department of Foreign Affairs (DFA) ang nagsasalita dahil ang militar ang siyang pangunahing nagbibigay ng proteksyon sa sambayanan.
Nakasalalay aniya sa balikat ng militar ang responsibilidad sakaling papasukin sa bansa ang Afghan refugees kaya dapat tanungin ng Presidente ang AFP Chief of Staff para alamin kung ano ba ang mga dapat at hindi dapat gawin hinggil sa usapin.
“It is very important that our military must have a say on this.The military should insist. And if I were the President I should not resist. The military should say na ” Mr President we cannot just accept refugees from a country that was bewaging war of terrorism”.
“The military of the government of the republic of the Philippines has that sworn sacred duty to protect our country and I demand as a Filipino citizen, mahal ko ang bayan ko kagaya nyo, I demand that you do the utmost to protect the country. The military of the Republic of the Philippines has sacred duty to tell us na tama ba ito o hindi. Its not just the politicians there, diplomatic,” wika ni Duterte.
Sinabi pa ng dating Pangulo na dapat magpatawag ng Cabinet meeting at isama ang hepe ng hukbong sandatahan upang mapag-usapang mabuti ang isyu bago gumawa ng hakbang sa nais mangyari ng Estados Unidos.
“Maybe call for a cabinet meeting and the Chief of Staff and ask what are the variables, what are the do’s and dont’s,” dagdag pa ni Duterte. (Aileen Taliping)
The post Duterte sa gobyerno: Itigil muna ang isyu sa Afghanistan refugees, militar dapat magsalita! first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento