Muling ipinagtanggol ni House Deputy Speaker at Cebu Rep. Duke Frasco ang bagong tourism ad campaign ng bansa na tinutuligsa dahil hindi umano isinama ang Bulkang Mayon.
Sa isang Facebook post, sinabi ni Frasco na ang lumabas na video ay isa lamang sa maraming ad campaign na ilulungsad ng Department of Tourism (DOT).
“The initial video promoting the PH gives the world a glimpse of the many reasons to Love the Philippines. Just like in any campaign, this ad campaign is not just for one day nor does it consist of just one singular video,” sabi ni Frasco.
“Opening salvo pa ni, Bai. Dili pa ni ang miting di avance,” pagpapatuloy nito.
Sinabi ni Frasco na kalma lang at marami pang darating.
“More to come! Keep calm and LOVE the Philippines,” sabi pa ng kongresista.
Si Frasco ang mister ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco na nanguna sa paglulungsad ng Love the Philippines tourism slogan ng bansa. (Billy Begas)
See Related Story Here:
Pagpalit ng tourism slogan, dagdag gastos na naman – Nancy Binay
The post Frasco tinukuran tourism video na wala ang Mayon: ‘Opening salvo pa ni, Bai’ first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento