Nagpahayag ng pagkabahala si House Assistant Minority Leader at Gabriela Rep. Arlene Brosas sa kabiguan umano ng Grab Philippines na sumunod sa mga utos ng mga regulatory agency kasama na ang pagkabigo nito na tapusin ang refund na ipinag-utos ng Philippine Competition Commission (PCC) noon pang 2019.

“As of April last year, only 73.80% of the total P25.45 million refund has been returned to Grab customers. It is unacceptable that the full amount has not been refunded yet. Imposible namang walang kinikita ang Grab sa laki ng singil nila sa mga mananakay,” sabi ni Brosas.

Ayon kay Brosas, nakababahala ang hindi pagsunod ng Grab dahil kontrolado nito ang 95% ng lokal na merkado.

Nanawagan din si Brosas na repasuhin ang Philippine Competition Act upang matugunan ang “apparent abuse of dominant position” sa transport network vehicle service (TNVS) market.

“A private corporation like Grab Philippines can easily raise its prices by taking advantage of the lack of reliable and safe transportation options. Hopefully, this will serve as a wake-up call for the government to prioritize the needs of the people over profits when it comes to public transportation,” punto ni Brosas.

Ang Gabriela kasama ang iba pang miyembro ng Makabayan bloc ay naghain ng resolusyon noong Marso para paimbestigahan sa House Committee on Transportation ang hindi umano pagsunod ng grab sa mga order ng mga regulatory agency na may saklaw dito. (Billy Begas)

See Related Stories Here:

The post Gabriela solon nababahala sa hindi pagsunod ng Grab first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT