Niratipika ng Kamara de Representantes ang panukala upang maging batas ang One Town, One Product (OTOP) program ng Department of Trade and Industry’s (DTI).

Ang bicameral conference committee report ng hindi magkatulad na probisyon ng House Bill 1171 at Senate Bill 1594 ay niratipika sa pamamagitan ng via voice voting bago ang sine die adjournment.

Ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez, layunin ng panukala na matulungan ang mga micro, small and medium enterprises (MSME) sa pamamagitan ng pagbibigay ng kasanayan at tulong pinansyal upang mapataas ang kalidad ng kanilang mga produkto.

“With this proposed legislation, we also hope to assist rural communities in achieving competitive and innovation-driven local economies, and promote the convergence of initiatives on product development among local government units (LGUs), national government agencies (NGAs), and the private sector,” sabi ni Romualdez.

Ang OTOP program ay sinimulan ng DTI noong 2014.

Sa ilalim ng panukala, ang DTI katuwang ang mga lokal na pamahalaan ay magbibigay ng assistance package sa mga benepisyaryo ng OTOP program upang mapa-unlad ang partikular na produkto sa kanilang lokalidad.

Ang DTI ay inaatasan din na lumikha ng OTOP Philippines Trustmark na magiging simbolo para sa mga produkto na makakapasa sa pamantayan nito.

Ipadadala ang panukala sa MalacaƱang para sa lagda ng Pangulo. (Billy Begas)

See Related Stories Here:

OTOP Philippines Act aprubado sa Senado

‘One Town, One Product’ bill malapit nang maging batas

The post Kamara niratipika One Town, One Product bill first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT