Suspendido na ang klase sa Laurel at Balete sa Batangas dahil sa makapal na volcanic smog mula sa Taal Volcano.

Kahapon din ay kanselado na ang klase sa Laurel.

Bukod sa Laurel, kahapon ay kanselado na rin ang klase sa Talisay at ilang barangay sa Agoncillo. Ito ay ang Brgy. Banyaga, Barigon at Bilibinwang.

Matatandaang kamakailan lang ay na-monitor ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang dalawang volcanic tremor sa Taal Volcano.

(CS)

See Related Stories Here:

Bulkang Taal 2 beses inuga

74 rockfall events naitala sa Mayon Volcano

The post Klase sa Laurel, Balete sa Batangas suspendido first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT