Isang pagsabog ang naganap sa isang Korean restaurant sa loob ng XentroMalls sa Calapan City, Oriental Mindoro.

Ayon sa inisyal na impormasyon mula sa opisyal ng Public Safety Department, may mga sugatan umano sa nangyaring pagsabog kabilang na ang mga empleyado ng nasabing restaurant.

Dumating naman na sa nasabing lugar ang rescue team upang alamin ang pinagmulan ng pagsabog at gamutin ang mga nasaktan.

(CS)

See Related Story Here:

Radio broadcaster binaril sa Oriental Mindoro, tigok

The post Korean restaurant sa Oriental Mindoro sumabog first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT