Iuulat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ang mga katuparan ng binanggit nito sa kaniyang unang SONA.
Sinabi ng Pangulo na sasabihin niya sa publiko kung natupad ba at nagkaroon ng resulta ang mga mahahalagang bagay na binanggit at ipinangako para sa sambayanan.
Kumpiyansa ang Presidente na mayroon itong maipapakitang resulta sa publiko kaya ito aniya ang magiging laman ng kaniyang SONA sa Hulyo.
“The things that I have mentioned in the first SONA, we will have a look and see ano na ang mga nangyari doon sa ating mga pinag-usapan nung unang SONA,” saad ng Pangulo.
Naghahanda na aniya sila sa mga gagamiting materials para sa kaniyang ikalawang SONA kung saan mag-uulat muli ito sa sambayanan kung ano na ang nagawa ng kaniyang pangangasiwa sa nakalipas na unang taon ng kaniyang termino.
Ilalahad din aniya nito sa taong bayan ang sitwasyon ng bansa kung nasaan na ngayon ang Pilipinas sa pangkalahatang aspeto, kung ano na ang nagawa para sa bayan at mga gagawin pa para sa pagsulong at pag-unlad ng bansa at mga Pilipino.
“Like any other SONA, it will be a report to the nation as to what the situation has, what happened in the last year since the last SONA,” dagdag ng Pangulo.
Sa ilalim ng Konstitusyon, ang SONA ng Presidente ay ginagawa tuwing ika-apat na Lunes ng Hulyo kada taon kung saan ngayong 2023 ay matatapat ang SONA ng Pangulo sa July 24. (Aileen Taliping)
See Related Stories Here:
Suspensiyon ni Teves puwedeng iapela sa araw ng SONA
Ikalawang SONA ni Marcos pinaghahandaan na sa Kamara
The post Laman ng ikalawang SONA ni PBBM, katuparan ng mga nabanggit sa unang SONA first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento