Ipinarerepaso ng isang mambabatas ang licensure examination sa bansa na nagsisilbi umanong hadlang sa maraming graduate para makakuha ng magandang trabaho.
Ayon kay Northern Samar Rep. Paul Daza, malaki ang kakulangan ng medical professional partikular ang mga nurse dahil malaking bahagi ng nagtatapos ay hindi nakakapasa sa licensure examination ng Professional Regulation Commission (PRC).
“What our newly-appointed DOH Secretary Teodoro Herbosa said, is correct. The Professional Regulation Commission (PRC) needs to ‘relax’ the rules. However, the solutions must be long-term rather than stop-gap measures,” sabi ni Daza.
Ang pinatutungkulan ng mga mambabatas ay ang mungkahi ni Herbosa na payagan ang mga hindi nakapasa na makapagtrabaho sa mga ospital ng gobyerno.
Ayon kay Daza, mula umano 2017 hanggang 2022, ang passing rate ng licensure examination para sa 36 na propesyon ay 52.58% lamang.
Sinabi ni Daza nakikipag-ugnayan ito sa PRC upang makagawa ng mga positibong hakbang kaugnay ng pagkuha ng licensure exam.
“We have been discussing this matter with PRC and I’m happy that they are very receptive,” dagdag pa nito.
Isa umano sa pinag-aaralan ang paggamit ng modular approach kung saan ang isang hindi nakapasa ay hindi na uulit sa mga bahagi ng licensure exam na naipasa na nito.
Ipinaliwanag ni Daza na sa ilang state ng Estados Unidos, ang pagsusulit ay hinahati sa tatlong bahagi at kailangan itong kunin ng examinee sa loob ng pitong taon.
Sa Australia naman umano ay ginagamit ang voluntary certification o self-regulation kung saan ang mga walang occupational license ay bumubuo ng asosasyon at pumapayag na sumunod sa mga pamantayan nito kaugnay ng kanilang pagtatrabaho.
“It’s time to break all barriers. We already have the law on free tertiary education. It’s still problematic in certain aspects but it’s a good start. What we need to work on as well is ensuring that our graduates will not join the unemployed after graduation,” dagdag pa ni Daza. (Billy Begas)
See Related Story:
Modernisasyon ng licensure exam itinulak
The post Licensure exam pinarerepaso first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento