Kasado na ang pagtataas ng pamasahe sa Light Rail Transit (LRT) Line 1 at 2 simula Agosto 2.
Noong Hunyo 13, nakipagkita si Transportation Secretary Jaime J. Bautista kay Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Hernando Cabrera at Light Rail Manila Corporation (LRMC) President and Chief Executive Officer Juan Alfonso upang ipaalam ang pagtaas ng pamasahe.
Ang pagtaas ng pamasahe ay para umano sa “services, amenities, and technical capacities of the LRT-1 and LRT-2”.
“We are aiming to make our rail services more accessible, convenient, and efficient for commuters,” ayon kay Assistant Secretary for Railways Jorjette B. Aquino.
“We at the Department of Transportation (DOTr) believe that this fare adjustment will contribute to maintaining affordable mass transportation services for the two commuter-train lines,” dagdag pa nito.
Mula sa P11, ang minimum boarding fee na ngayon ay P13.29 at P1.21 na kada kilometro mula sa dating piso kada kilometro.
(CS)
See Related Stories Here:
Libreng sakay sa LRT-2 mararanasan ng mga manggagawa sa Labor Day
The post LRT fare hike kasado na sa Agosto first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento