Hindi makapaniwala ang isang bebot sa Canada matapos makuhanan ng kaniyang trail camera ang dalawang ‘mangkukulam’.

Inilarawan pa ng bebot na nakakita na si Corinea Stanhope na ito ay “two witches holding a carcass-eating ritual”.

Ayon kay Corinea, naglagay umano siya ng trail camera sa kaniyang bakuran upang masilayan ang mga hayop na nagagawi sa kanilang bakuran.

“Me and my grandpa put up a trail camera to see if we could see animals, and we got a bobcat [on camera], which was pretty cool,” ayon kay Corinea sa panayam sa Kennedy News.

Ngunit bukod sa hayop ay may iba pang namataan ang kaniyang lolo sa nakuhanan ng trail camera.

Nakita nila na mayroong hubo’t hubad na dalawang tao sa kanilang bakuran.

“I came the next day, and grandpa said he’d got naked people on the camera, and I said, ‘No, you didn’t. Bulls—.’ So, he showed me,”

Dagdag pa ng bebot, tila pinapapak umano nito ang patay na usa sa kanilang bakuran.

Nabahala naman ang bebot dahil may mga alaga rin itong kabayo.

“I was concerned about them messing with my horses at night,”

(CS)

See Related Stories Here:

Cristy dudang basurero sa Canada si Jimmy Santos

Relihiyon ng mga mangkukulam? Path of the Wise Temple pumalag

Lalaki inutusan ng mangkukulam na ibato ang aso sa ilog

The post ‘Mangkukulam’ naispatan sa Canada first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT