Tuloy-tuloy ang pagpaparinig ni suspended Negros Oriental Congressman Arnie Teves kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, na tinawag niyang ‘King of Fake News’.

Sa bagong video ni Teves, binira niya si Remulla sa naging pahayag nitong may nag-offer umano sa mga suspect sa Roel Degamo slay ng P8 million para bawiin ang kanilang mga statement.

“Hindi ko alam kung saan nakita ‘yung 8 million na number eh… baka pumasok sa isip niya gamitin ‘yung number 8 dahil swerte,” lahad ni Teves.

Nilarawan niya bilang ‘kathang isip’ lang ang pahayag at ni Remulla, at pinagbintangan pa ang kalihim na gumagamit umano ng ‘pulbos’ o iligal na droga.

“Masama talaga epekto ng ‘pulbos’ sa utak ng tao,” hirit ni Teves.

“Wag niyong tutularan ‘yan ah. Huwag kayong magdodroga, masama talaga,” patama pa nito.

Nag-react na si Remulla sa mga patama ni Teves, sinabi nito na ang mga pahayag ni Teves ay patunay na wala itong galang sa awtoridad.

“It reflects his state of mind, disrespect for authority, the way he thinks of our society, I think it’s self-explanatory kung anong klaseng tao siya,” lahad ni Remulla. (RP)

See Related Stories Here:

Nang-asar pa! Arnie Teves natunugan raid sa QC

Mas mabigat na parusa irerekomenda vs Teves

The post May ‘pulbos’ daw sa utak! Teves pinitik si Remulla first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT