Nakapagtala ang Mayon Volcano ng 102 volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 oras, ito ay ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
“Alert Level 3 is maintained over Mayon Volcano, which means that it is currently in a relatively high level of unrest as magma is at the crater and hazardous eruption within weeks or even days is possible,” ayon sa PHIVOLCS.
Matatandaang noong Sabado, Hunyo 24, patuloy ang pagdaloy ng lava sa Mayon Volcano at nakapagtala rin ng 308 rockfall events at dalawang volcanic earthquakes.
Samantala, 41,483 na katao o 10,642 na pamilya sa 26 na barangays sa Bicol ang apektado ng aktibidad ng Mayon Volcano, ito ay ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
18,706 na katao o 5,354 na pamilya ang nanunuluyan sa 28 evacuation centers habang 1,428 na katao o 408 na pamilya ang namamalagi sa ibang lugar.
(CS)
See Related Story Here:
Mabagal na pagdaloy ng lava naispatan sa Mayon Volcano
The post Mayon Volcano nakapagtala ng 102 volcanic earthquakes first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento