Dapat imbestigahan at alamin ang katotohanan sa umano’y suhol ng tig-P8M kapalit nang pagbawi ng testimonya ng ilang mga akusado sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo noong March 4.
Sa kanyang lingguhang programa sa telebisyon, sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel at dating Senate President Juan Ponce Enrile na dapat malaman ng publiko kung saan kinuha ang perang pangsuhol sa mga akusado.
“Dapat ‘yan tanungin where did you get your money? What’s your business?” ani Enrile.
Batay sa naging pahayag ni Department of Justice Secretary Crispin Remulla, walong milyong piso umano ang katapat nang pagbawi ng testimonya ng mga akusado na pag-amin sa pagpatay kay Degamo at pagdidiin kay Congressman Arnie Teves Jr. at Marvin Miranda bilang mastermind sa krimen.
Itinanggi naman agad ng abugado ng mga suspek ang pahayag ni Remulla na suhulan umano .
Kaugnay naman sa ulat na nag-apply umano ng citizenship si Teves sa Timor Leste, sinabi ni Enrile na hindi nito maipagpapatuloy ang pagiging kongresista kung mamamayan na ito ng ibang bansa.
“How can he continue to be a congressman if he is a citizen of other country?” dagdag ni Enrile. (Aileen Taliping)
Related News:
Isalang sa lie detector! Enrile duda sa mga biglang bawi na suspek sa Degamo murder
src=”https://www.youtube.com/embed/hK9LElg2EoI” title=”AKTOR WALANG HINTO SA PAMBABABAE KAHIT MAY MISIS NA” frameborder=”0″ allow=”accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture; web-share” allowfullscreen>
The post P8M suhol sa mga suspek sa Degamo slay, dapat imbestigahan – Enrile first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento