Ilang bahay, establisyimento at simbahan ang nasira sa Bacolor, Pampanga matapos itong daanan ng buhawi, ito ay ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

“Some homes were reported with minor damage, detached power lines, and fallen trees,” ayon sa NDRRMC.

Isang netizen naman ang naispatan ang paparating na malaking buhawi.

Sa ibinahaging video ni Clifford John Bondoc sa Facebook, makikita ang malakas na hangin habang nabubuo na ang buhawi.

Maririnig naman sa video ang reaksyon ng mga tao habang pinapanood ang namumuong buhawi.

(CS)

See Related Story Here:

26 patay matapos tumama ang buhawi sa Mississippi

The post Pampanga tinamaan ng buhawi first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT