Matindi ang pakulo ng isang buyer ng Ford Everest na mukhang bumibili lang daw sa tindahan ng yosi!
Sa Facebook post ng car sales agent na si Richmond John Cristobal, binahagi niya ang larawan ng kanyang client na kumuha ng Ford Everest.
Ang kakaiba, sa photo op ay nag-topless ang buyer habang hawak ang malaking ‘susi’ ng kotse.
“Isang Stick ng Marlboro Red at Isang FORD EVEREST yung Puti!” caption ng sales agent.
“Grabe si Boss, Parang bumili lang sa tindahan,” hirit pa ni Cristobal.
Base sa post ay kasama niya sa grupong Henerals Eagles Club ang kanyang kliyente.
Maraming netizen naman ang natuwa sa pakulo at good vibes na hatid ng buyer.
“Yung kakagising mo lang tapos bigla mo naisipan bumili sasakyan kasi malayo bilihan pandesal.”
“Pabili Nga Po Ng Great Taste White Caramel Yung Sukli Po Umm White Ford Everest Nalng Po” (RP)
The post Parang bumili lang ng yosi! Topless na lalaki umiskor ng Ford Everest first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento