Dapat umanong ang ginawang pag-apruba ng Kongreso sa kontrobersyal na Maharlika Investment Fund (MIF) bill, ayon kay Senate Minority Aquilino ‘Koko’ Pimentel III.
Sabi ni Senate Minority Aquilino ‘Koko’ Pimentel III, ang tanging aksyon para maiaayos ng Kongreso ang mga error o pagkakamali sa minadaling MIF bill ay bawiin ang ginawang pagpasa rito at ibalik sa plenaryo para doon irekonsidera ang mga pagtutuwid na dapat gawin.
“Congress’s imprimatur is needed to rectify the MIF. The discrepancies and ambiguities found in the approved bill cannot be corrected without the risk of falsification of legislative documents,” sabi ni Pimentel, dating Senate President at 1990 Bar topnotcher.
Ang tinutukoy ni Pimentel ay ang pagkakamali at pagkakaiba sa MIF na ipina ng Kongreso bago mad-adjourne sine die nitong nagdaang linggo.
Binanggit niya halimbawa ang magkakaibang termino at prescriptive period na matatagpuan sa Section 50 at 51 ng MIF.
“Recalling the approval of the MIF and returning it to the floor is the sole remedy left for Congress if it is to correct and clarify the discrepancies and ambiguous provisions in the MIF. There is no shortcut,” saad ni Pimentel.
“We must take the necessary steps to rectify the errors and save the President from signing an erroneous bill into law,” diin niya.
“The consequences of the President signing a bill containing glaring errors can be significant,” dagdag pa ni Pimentel.
Kung maibabalik ito sa Kongreso, magkakaroon ng oportunidad para maiwasto ang mga kamalian sa minadaling panukala.
Nauna nang sinabi ni Pimentel na hindi pinapayagan ang secretariat ng Senado at Kamara para baguhin ang mga salita nakapaloob sa panukala
Nagbabala pa siya na posibleng ng legal na kaso tulad ng falsification of legislative documents kung babaguhin ang salita sa panukala na ipinasa sa ikatlong pagbasa ng dalawang kapulungan ng Kongreso. (Dindo Matining)
See Related Stories Here:
Koko Pimentel sa Cha-cha: Hindi kailangan sa ngayon iyan
Akbayan: SOGIE Bill ipasa kaysa Maharlika fund
The post Pimentel: Maharlika fund bill bawiin, ibalik sa Kongreso first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento