Makakaasa ng pantay na pagtrato ang mga miyembro ng LGBTQIA+ sa bansa.
Ito ang tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos pulungin ang LGBT Pilipinas sa Malacañang .
Ayon sa Pangulo, sisiguruhin ng kaniyang administrasyon na mapoprotektahan ang mga ito laban sa ano mang uri ng diskriminasyon, partikular sa sexual orientation at gender identity o expression.
“I just wanted to say hello and to let you know that we in the Philippines ay ang habol lang naman talaga is that everybody is treated not for any other thing, not for race, not for creed, not for orientation but just as Filipinos,” saad ng Pangulo.
Binigyang-diin ng Pangulo na mas bukas ang isip ng mga tao sa Pilipinas kumpara sa ibang mga bansa at hanggat nagpapakatotoo ay makakaasa ng pantay na pagtrato at walang diskriminasyon.
“Dito sa Pinas, okay lang yan. Yung pagkatao ang tinitingnan natin hindi yung kung ano-ano pa,” dagdag ng Pangulo.
Ito aniya ang prinsipyo na nais ipatupad at sundin ng administrasyon para sa mga LGBTQIA+. (Aileen Taliping)
See Related Story Here:
PBBM sa kaniyang isang taon sa pwesto, marami pang dapat gawin!
The post Proteksyon laban sa diskriminasyon ng LGBTQIA+ tiniyak ni PBBM first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento