Nagkakagulo sa Russia matapos banggain ang militar ni Russian President Vladimir Putin ng kanyang kinilalang kakampi na si Yevgeny Prigozhin.

Si Prigozhin ay sinusubukang pabagsakin ang Russian military sa pamamagitan ng kanyang binuong mercenary group na Wagner.

Tinawag ng mga Russian general na kudeta ang ginagawa ni Prigozhin.

Depensa naman ng Wagner leader, ang defence ministry umano ng Russia ang unang umatake sa kanila sa pamamagitan ng missile.

Paglilinaw pa ni Progzhin, hindi umano ang liderato ng Russia ang kanyang kinakalaban kundi ang militar lamang.

Ngunit ayon kay Putin, tila sinaksak umano sa likod ang Russia sa pagpasok ng Wagner sa ilang siyudad sa kanilang bansa.

“What we are dealing with is treason. Unchecked ambitions and personal interests have brought about betrayal of our country and our people,” ayon kay Putin.

(RP)

The post Putin trinaydor, kudeta sumiklab sa Russia first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT