Itinulak ni Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co at dalawa pang mambabatas ang panukala upang magkaroon ng pondo na magagamit sa pagpapa-unlad ng lokal na produksyon ng sibuyas.
Sa panukalang Onion Competitiveness Enhancement Fund Act (House Bill 8462), sinabi nina Co, Quezon Rep. Mark Enverga at Marikina Rep. Stella Luz Quimbo na ang lahat ng buwis na makokolekta ng gobyerno mula sa pag-aangkat ng sibuyas ay gagamitin upang suportahan ang mga magsasaka ng sibuyas upang dumami ang lokal na produksyon at kayanin na makipagkompetensya sa ibang bansa.
“While evidence collected during the hearings point to the need to enhance anti-cartel enforcement as a long-term solution to high prices of onions, short-term interventions are necessary, including the importation of onions,” sabi ng mga may-akda sa panukala.
Ang lahat ng tariff revenue mula sa imported na sibuyas ay ilalaan ng Kongreso sa mga development at support program gaya ng onion farming inputs at equipment, production technology, farmgate price support, pagpapa-utang, crop protection, pagtatayo ng storage at cold storage facility at mga katulad na tulong sa mga magsasaka ng sibuyas, ayon sa panukala.
Nakasaad din sa panukala ang pagsasagawa ng periodic review ng Committee on Agriculture and Food, Appropriations and Finance ng Senado at Kamara para matiyak na tama ang nagiging paggamit ng Onion Competitiveness Enhancement Fund. (Billy Begas)
See Related Stories Here:
Zaldy Co sinilip kabagalan ng DICT
The post Rep. Co, 2 pa itinulak panukalang popondo sa pag-unlad ng lokal na sibuyas first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento