Pumanaw na sa edad na 52-anyos si San Juan City Vice Mayor Warren Villa at natural causes ang idineklara ng mga doktor ng Cardinal Santos Medical Center.

Malungkot na ibinalita ni Mayor Francis Zamora sa naganap na flag raising ceremony sa city hall ang maagang pagpanaw ni Vice Mayor Warren Villa na kung saan maraming San Juaneño ang nagdadalamhati ngayon.

“It is with great sadness that I inform you that a highly respected and much loved member of the San Juan City Government, VICE MAYOR WARREN VILLA has passed away this evening, with his wife Inah and son Hab by his side,” ayon kay Mayor Zamora.

Nabatid na kasama ni Villa ang misis na si Regina ‘Inah’ Villa at anak na si Hab nang itakbo ito sa Cardinal Santos Medical Center at bandang gabi na nang binawian ito ng buhay.

“Maraming salamat sa iyong kabutihan at paglilingkod sa ating mga mamamayan. Mahal ka namin, Warren,” paalam ni Mayor Zamora.

Samantala, ipinagpaliban muna ang lahat ng aktibidad ngayong Lunes sa city hall bilang pagbibigay ng respeto sa namayapang bise alkalde. (Vick Aquino)

See Related Stories Here:

JV sa Parañaque task force na nanipa ng vendor: Animal ka!

The post San Juan City VM pumanaw na first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT