Bumaba na sa Signal No. 1 ang Batanes dahil sa bagyong ‘Betty’, ito ay ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Nito lamang 4 am, namataan ang bagyong ‘Betty’ sa northeast ng Itbayat, Batanes.

Posible naman umanong lumabas na ang bagyo ng Huwebes ng hapon.

“However, paglabas niya, makakaranas pa rin po ng mga pagbugso ng hangin ang malaking bahagi ng ating bansa dahil sa habagat o southwest monsoon,” ayon kay PAGASA weather specialist Benison Estareja sa isang press briefing.

(CS)

The post Signal No. 1 nakataas sa Batanes dahil sa bagyong ‘Betty’ first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT