Dapat umanong magsilbing inspirasyon sa kasalukuyan at susunod na mga henerasyon ang mga aral at pamana ng pambansang bayani Dr. Jose Rizal.

Pinangunahan ni Tolentino ang paggunita ng 162 birth anniversary ng pambansang bayani sa Calamba City, Laguna nitong Lunes, Hunyo 19.

“Hindi lamang tayo dapat maging mga tagapagmana ng kanyang mga sulatin, kundi dapat din tayong maging mga tagapagtatag ng pagbabago,” sabi Tolentino.

“Tayo ay nagtitipon hindi lamang upang kilalanin ang dakilang buhay at kabayanihan ni Dr. Jose Rizal, kundi upang maging inspirasyon at gabay sa ating mga sarili. Ang ating mga hangarin at mga pangarap ay sumasalamin sa mga pangarap ni Rizal para sa ating bayan,” dagdag niya.

Si Tolentino ang leader convenor ng KLABARZON Society, isangregion-based organization na naglalayong palakasin ang kapakanan ng mga naninirahan sa Region 4A (Calabarzon).

“Ang inisyatibong ito ay isang pagpapatunay ng aming pagsisikap na isabuhay ang paninindigan ni Dr. Jose Rizal para sa pagkakaisa at patuloy na pag-unlad ng ating bayan,” sabi pa ni Tolentino. (Dindo Matining)

See Related Stories Here:

PBBM niregaluhan ng libro ni Rizal si Malaysian Prime Minister Ibrahim

The post Tolentino: Kilalanin dakilang buhay, kabayanihan ni Rizal first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT