Tiniyak ni Senadora Cynthia Villar sa mga nagsipagtapos sa Bulacan State University na kaisa siya ng mga ito sa pag-abot sa pangarap na isang masaganang agrikultura, maunlad na ekonomiya at food-sufficient na Pilipinas.
“My dear graduates, as you embark on the next chapter of your lives, remember that true education goes beyond textbooks and exams and extends far beyond the walls of this institution,” pahayag ni Villar, na naging guest speaker sa commencement excises noong Hunyo 22.
Pinayuhan din niya ang mga nagsipagtapos na gamitin ang kanilang kaalaman upang magkaroon ng ‘positive impact’ sa ating paligid.
“Let us remember that education is not just a privilege; it is a call to action. You have the privilege of education, and with it, the responsibility to uplift those who are less fortunate,” sabi pa ni Villar.
Pinaalalahanan din niya ang mga nagsipagtapos na gamitin ang kanilang kaalaman at kakayahan sa pagbuo ng oportunidad.
“They are also bound to empower individuals to break free from the cycle of poverty and adversity,” ani Villar.
Dismayado naman siya sa malaking hamong kinakahap ng sektor ng agrikultura sa kabila ng pagiging agricultural country ng Pilipinas. (Dindo Matining)
See Related Story Here:
Panganay ni Buboy Villar, American citizen na
The post Villar sa mga bagong graduate: Magsikap kayo! first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento