Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na 26 na katao ang nasawi sa paglubog ng isang motorbanca sa Binangonan, Rizal.

“Dalawampu’t anim na po ang kumpirmadong patay at 40 na po ang nakaligtas,” ayon kay PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo sa panayam sa ‘Unang Balita’.

“Meron pong mga underwater personnel na mag coconduct ng operations para ma-check po kung meron pang mga tao na na-trap dun sa ilalim ng bangka,” dagdag pa nito.

Ayon sa PCG, sobra-sobra rin umano ang mga pasahero na nakasakay sa nasabing motorbanca.

(CS)

See Related Story Here:

Pagbili ng PCG ng luxury vehicle tatalupan ng mga senador

The post 26 katao kumpirmadong dedo sa paglubog ng bangka sa Binangonan – PCG first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT