Kinondena ng Bayan Muna ang pag-atake sa mga media personnel sa Leyte at nanawagan ito sa administrasyong Marcos na agad itong aksyunan at papanagutin ang mga may sala.

“We condemn this latest attack on media in the strongest possible terms. Freedom of the press is a cornerstone of any functioning democracy, and any assault on media is an assault on our democracy itself. We cannot allow this to go unnoticed or unpunished,” sabi ni Bayan Muna Executive Vice President Carlos Isagani Zarate.

Kinakapanayam umano ng tatlong mamamahayag ng mga magsasaka sa Barangay Jones, Pastrana, Leyte noong umaga ng Hulyo 14 kaugnay ng pinag-aagawang lupa nang lapitan sila ng isang babae at ipatigil ang kanilang ginagawa. Ang babae ay isa umanong pulis.

Inaagaw umano ng pulis ang cellphone at itinulak ang isa sa mga biktima.

Sa gitna ng komosyon ay mayroon din umanong nagpaputok ng baril.

“This latest attack on media personnel along with all the others in the past clearly undermines the role of a free press and the people’s right to information, which are essential in any democratic society,” sabi ni Zarate.

Nagbabala si Zarate na magkaroon ito ng epekto sa malayang pamamahayag.

“Media workers should be able to perform their duties without fear of intimidation or violence. It is the duty of the government to ensure their safety and protect press freedom,” dagdag pa ni Zarate. (Billy Begas)

See Related Story Here:

PANOORIN: Reporter tinulak ng pulis, pinaputukan sa Leyte

The post Bayan Muna kinondena pag-atake sa mga journalist sa Leyte first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT