Isang babae sa India ang nagawang ibenta ang kaniyang anak upang makabili ng iPhone at gamitin ito sa paggawa ng reels.

Ayon sa tweet ng NCMIndia Council For Men Affairs, nagduda umano ang mga kapitbahay ng babae nang ibinida nito ang kaniyang bagong iPhone habang ito ay gumagawa ng reels kahit na ang kaniyang walong buwang gulang na anak ay nawawala.

“In a shocking incident from 24 Parganas, West Bengal Sathi, a mother of two sold her 8 months old SON to buy an iPhone to make reels.”

“Her Neighbors got suspicious when they saw her flashing brand new iPhone and making reels while her 8 months old son was missing since many days. When they confronted her she told them that she sold her son to buy the phone.” dagdag pa nito.

Hindi lang ang walong buwang gulang na anak ang kaniyang ibinenta dahil pati ang isa pa nitong anak na may edad na 8 ay balak nito ibenta ngunit nahuli lang siya ng kaniyang mga kapitbahay at isinumbong sa mga awtoridad.

“Few days after selling her son Sathi also tried to sell her 8 years old daughter but her neighbors caught her and informed the police.”

(CS)

See Related Story Here:

Lupang ibinigay sa mga magsasaka hindi puwedeng ibenta – DAR

The post Bebot sa India ibinenta ang anak para makabili ng iPhone first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT