Isang babae ang tinangay ang korona at ang unan ng santo sa isang simbahan sa Angeles City, Pampanga.
Nangyari ang pagtangay noong Hulyo 14 sa Our Lord of the Holy Sepulcher.
Noong una ay nagdarasal lang ang babae sa harap ng poon ngunit katagalan ay makikita sa CCTV na tinangay na nito ang korona at unan.
Hindi lang korona at unan ang tinangay nito dahil pati ang holy water at isang estola ay kinuha nito.
Ayon sa Apu Mamacalulu Shrine, mahalaga ang korona dahil sa historical at sentimental value nito.
Samantala, matapos naman ang ilang araw ay nahanap rin ng mga awtoridad ang babae at nabawi rin ang kinuha niyang korona at unan.
Wala naman plano ang simbahan na magsampa ng reklamo laban sa suspek.
(CS)
See Related Story Here:
OFW hospital sa Pampanga naging ‘ghost town’ – Tulfo
The post Bebot tinangay korona, unan ng santo sa isang simbahan sa Pampanga first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento