Isang Assistant Secretary ng Presidential Communication Office (PCO) ang umano’y nag-endorso ng kanyang bestfriend sa US Embassy para makakuha ng journalist visa kahit na hindi naman ito opisyal na kasama sa mga naging biyahe ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa America.
Batay sa Immigration record, dalawang beses ng bumalik sa Amerika ang nasabing reporter gamit ang I-Visa kahit wala naman itong official assignment mula sa kanyang media company.
Tinulungan daw ang naturang reporter ng kanyang bestfriend na isang assistant secretary sa Presidential Communication Group kaya nakalusot ang visa application nito sa US Embassy.
Sinabayan daw ng naturang reporter ang pag-alis ng official delegation ng Pangulo sa working visit nito sa Amerika noong Mayo kung saan nagtungo daw ang reporter sa California para magliwaliw at bisitahin ang kanyang karelasyon.
Hindi daw nakikita ang naturang reporter na nagko-cover sa Malacañang at mga event ng Pangulo pero pinilit daw ng kaibigang matalik ng reporter na isang Assistant Secretary sa PCO na member ito ng Malacañang press kaya nabigyan ng US visa.
Ayon sa source, limang taon ang validity ng visa na ibinigay ng US Embassy sa naturang reporter.
Hindi umano ito ang unang pagkakataon na nag-endorso ang tanggapan ng PCO sa US Embassy para mabigyan ng visa ang kanilang malalapit na kaibigan at kamag-anak kahit na hindi naman ito opisyal na kasama sa mga biyahe ng Pangulo o miyembro ng Malacañang press.
Sa ilalim ng I-Visa, maaari lamang itong gamitin ng isang journalist kung ito ay bibigyan ng official assignment ng kanyang media company para gumawa o mag-cover ng balita sa Amerika.
The post Binisita lang dyowa sa Amerika! PCO official brinaso US visa ng tropang reporter? first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento