Posible umano na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang maging unang lider sa Asya na litisin at mahatulan ng International Criminal Court (ICC).
Ayon kay Bayan Muna chairperson at human rights lawyer Neri Colmenares, malakas ang ebidensya laban kay Duterte.
“Ang imbestigasyong ito mag-lead sa trial and if it leads to trial, President Duterte will be the first Asian leader to be tried in the ICC,” sabi ni Colmenares sa isang talumpati kasama ang pamilya ng mga umano’y napatay sa war on drugs.
“And because we have a strong evidence we really hope so that he will be the first Asian leader to be convicted after trial sa ICC for crimes against humanity,” dagdag pa ni Duterte.
Ang pahayag ni Colmenares ay nag-ugat sa desisyon ng ICC appeals chamber na ibasura ang apela ng gobyerno ng Pilipinas na itigil ang imbestigasyon sa war on drugs noong panahon ni Duterte.
Ang imbestigasyon ay nakasentro sa pagpatay umano sa libu-libong katao. (Billy Begas)
See Related Story Here:
Neri Colmenares abangers sa desisyon ng ICC
The post Colmenares: Duterte puwedeng maging unang Asian leader na nilitis ng ICC first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento