May kakaibang naisip ang mga lalaki na naglalaro ng basketball sa Leyte dahil diaper ang kanilang ginamit na uniporme at hindi jersey at shorts.
Sa ibinahaging video sa Facebook ni Abainel, makikita ang mga kalalakihan na nakahubad at nakasuot ng diaper. Ngunit bago maglaro, humataw muna ang mga ito sa awitin na ‘Jumbo Hotdog’.
Matapos ang paghataw, dito na nagsimula ang paglalaro ng mga lalaki habang nakasuot ng diaper.
Hindi naman problema ito sa mga lalaki at feel na feel pa rin pa ang paglalaro habang nakahubad at nakasuot ng diaper.
Maririnig naman sa video na tuwang-tuwa ang mga manonood sa mga kalalakihan na naglalaro.
(CS)
See Related Story Here:
Bimby mas bet maging artista kaysa basketball star
The post Dehins na kailangan ng shorts! Mga kelot naglaro ng basketball habang nakasuot ng diaper first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento