Nabuking ang Department of Tourism (DOT) na hindi pala shinoot sa Pilipinas ang ilang clip na ginamit sa kanilang promotional video para sa ‘Love the Philippines’ slogan.

Sa Facebook post ng blogger na si Sass Rogando Sasot, kanyang idinetalye kung saan nanggaling ang mga video na ginamit sa video ng DOT.

Ang mga ito ay nanggaling sa stock footage site na Storyblocks.com, ang masama pa ay hindi galing sa Pilipinas ang mga naturang clip.

Ilan sa eksena na gagamitin sana sa pag-promote ng Pilipinas ay kuha pala sa Indonesia, Thailand, Switzerland, at UAE.

“So far, at least FIVE SCENES of the #LoveThePhilippines tourism video launch of Department of Tourism – Philippines are stock footages taken from different locations,” ayon kay Sasot.

Dumepensa naman agad si DOT Secretary Christina Garcia Frasco, sinabi na kanila na raw kinakausap ang agency na DDB Philippines na siyang gumawa ng video.

Wika ni Frasco, sa mga meeting daw nila ay sinabi ng agency na original ang mga materyal na ginamit sa video.

“During the various meetings and consultations held relative to the tourism brand enhancement, the DOT, for its part, repeatedly sought confirmation from DDB on the originality and ownership of all materials contained in the AVPs and key visuals presented to the Department. In ALL these occasions, DDB repeatedly assured the DOT that the originality and ownership of all materials are in order,” ayon sa pahayag ni Frasco.

Dagdag pa niya, hindi raw public fun ang ginamit ng DOT para bayaran ang naturang video.

Matatandaan na sinabi ni Frasco na abot sa P49 million ang kanilang ginastos para sa bagong campaign slogan ng DOT.

Sa kabila nito, ilang netizen ang hindi kumbinsido sa depensa ni Frasco, dapat daw ay nag-verify ang DOT bago ilabas ang video sa madla.

Heto ang ilan sa komento ng mga netizen:

“Can’t DOT verify their AVP before launching it? The fact that you will spend (millions) to promote this new tourism slogan and no one in the department reviewed the promotional video highlights incompetence. “

“Resign! Department of tourism kayo tapos di nya alam hindi pala sa Philippines ang ginagamit na video.”

“Scrap that video. Nakakahiya. Tamad pagkabuhat, mangingilad ang nagbuhat.”

The post ‘Di pala sa ‘Pinas! Mga Pinoy kinahiya DOT sa ‘Love the Philippines’ video first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT