Napanatili ng tropical depression ‘Dodong’ ang kaniyang lakas habang ito ay patungo sa West Philippine Sea, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Kanina madaling araw, 4 am, namataan si ‘Dodong’ sa west ng Sinait, Ilocos Sur.

Inaasahan naman na magdadala ito ng pag-ulan sa La Union at Pangasinan ngayong Sabado.

“Dodong is forecast to move generally northwestward today before turning west northwestward for the remainder of the forecast period,” ayon sa PAGASA.

(CS)

See Related Story Here:

7 lugar, Signal No. 1 kay ‘Dodong’

The post ‘Dodong’ napanatili ang lakas first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT