Nanawagan si dating Senate President Franklin Drilon kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na isapubliko ang mga diskusyon at isyu na pinag-usapan nila ni China President Xi Jinping.

Ayon kay Drilon, mahalagang magkaroon ng transparency, accountability at right to information ang publiko lalo na kung may kinalaman ito sa West Philippine Sea.

“I think it is important that former President Duterte make public the discussion and the issues that they discussed during the meeting,” pahayag ni Drilon sa panayam sa radyo.

“Out of respect and courtesy to the sitting president, I call on former President Duterte to either disclose or, at the very least, provide a briefing to President Marcos or Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo,” dagdag niya.

Binigyang-diin pa ni Drilon na dahil sa impluwensya ng dating Pangulong Duterte, ang mga pananaw at aksyon nito ay magbibigay ng bigat at maaring mabigyang kahulugan sa iba’y ibang paraan, partikular kay Pangulong Xi Jinping.

“Kapag kausap mo na ang lider ng ibang ibang government, dapat iisa lang ang ating position. Baka kung hindi, hihina ang position ng ating pamahalaan,” sabi ni Drilon.

“Hindi ito simpleng private visit. The former President is not an ordinary Filipino. His views will always be taken seriously by Xi Jinping. Ito po ay dapat malaman ng DFA,” diin pa niya.

“The issues that were potentially raised during the meeting involved our national sovereignty. Therefore, the Department of Foreign Affairs (DFA) should be briefed on the details of the meeting, as it is not a matter of private concern but one that affects the entire nation,” ayon pa kay Drilon. (Dindo Matining)

See Related Story Here:

Pakikipagkita ni Duterte kay Xi Jinping sa China, alam ni PBBM

The post Drilon: Detalye ng pulong ni Duterte kay Xi Jinping isapubliko first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT