Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong ‘Egay’ ngunit walong lugar pa rin ang nasa ilalim ng Signal No. 2.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), kaninang alas-8 ng umaga lumabas si ‘Egay’. Narito naman ang mga lugar na nasa ilalim ng Signal No. 2:
Batanes
Cagayan
Babuyan Islands
Apayao
Kalinga
Abra
Ilocos Norte
Northern at central portion ng Ilocos Sur (Magsingal, San Esteban, Banayoyo, Burgos, City of Candon, Santiago, San Vicente, Santa Catalina, Lidlidda, Nagbukel, Sinait, San Ildefonso, Galimuyod, City of Vigan, San Emilio, Cabugao, Caoayan, San Juan, Santa, Bantay, Santo Domingo, Santa Maria at Narvacan)
Inaasahan naman na patuloy ang maulan na panahon sa ibang bahagi ng bansa dahil sa Southwest Monsoon o Habagat.
(CS)
See Related Story Here:
90% ng Baguio City nawalan ng kuryente dahil sa bagyong ‘Egay’
The post ‘Egay’ nakalabas na ng PAR, 8 lugar nasa ilalim pa rin ng Signal No. 2 first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento