Matapos ang paglabas ng Threads, planong kasuhan ni Elon Musk ang Meta.

Ayon sa letter ni Twitter lawyer Alex Spiro na pinadala kay Meta CEO Mark Zuckerberg, inakusahan nito ang Meta na kinuha ang mga dating empleyado ng Twitter na mayroon pa rin na access sa impormasyon at “secrets” ng Twitter.

“Twitter intends to strictly enforce its intellectual property rights, and demands that Meta take immediate steps to stop using any Twitter trade secrets or other highly confidential information,” ayon kay Spiro.

Ngunit sumagot naman dito si Meta spokesperson Andy Stone sa pamamagitan ng pag-post sa Threads at sinabing wala silang empleyado na mula sa Twitter.

“No one on the Threads engineering team is a former Twitter employee — that’s just not a thing,”

Ang Threads, na tinuturing na ‘Twitter Killer’ app ay halos kapareho ng Twitter.

(CS)

See Related Story Here:

Zuckerberg kinalaban Twitter ni Elon Musk

The post Elon Musk idedemanda ang Meta first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT