Kahit ang mga nasa Malacañang, sumubaybay din pala sa unang episode ng TVJ sa TV5!
Ito’y nalaman nang nagbiro si former Senate President Tito Sotto tungkol sa pagkanta nina Jose Manalo at Wally Bayola.
“Ang sama ng tono niyo, nakakahiya! Andaming nanonood,” hirit ni Tito Sen.
Bigla nitong binanggit na mayroon din palang viewing party sa Palasyo, at kahit si First Lady Liza Araneta-Marcos, ang maybahay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay nakatutok din sa kanilang pilot episode.
“May watch party sa Malacañang, si FL (First Lady) Liza [Araneta-Marcos] nanonood ngayon!” sey ni Tito.
Ilan ding big names ang nasa studio sa first episode ng ‘E.A.T’ sa TV5. Present nga ang mga anak ni Vic na si Oyo Sotto, pati si Pasig City Mayor Vico Sotto.
Dumalo rin ang misis ni Tito Sen na si Helen Gamboa, at nag-perform pa nga pamangkin nitong si Helen Gamboa. (RP)
See Related Story:
‘E.A.T’ title ng Dabarkads show, ‘Eat Bulaga’ hindi susukuan ng TVJ
TAPE-Eat Bulaga durog sa comeback ng TVJ, Dabarkads
The post First Lady Liza Marcos tumutok din sa TVJ sa TV5 first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento