Ibinida ng isang Pilipino kung bakit pangarap ng marami na maging teacher sa Japan.
Sa Twitter, ibinahagi ng user na si @johnnytamad ang video ng Pinoy, na inilahad ang magaan na trabaho niya bilang Assistant Language Teacher (ALT) sa Japan.
Hindi raw gaya sa Pilipinas, sa Japan ay hindi siya required na gumawa ng mga lesson plan, grade, test paper, report card at kung ano-ano pang form.
Bilang ALT, nakapokus lamang daw siya sa pag-assist sa kanyang Japanese Teacher of English at sa pagtuturo.
Sino rin daw ba ang hindi gaganahan na magtrabaho kung lahat ng mga instructional material na kakailangan mo ay sagot ng eskuwelahan pati na rin ang laptop.
Unlimited din aniya ang pag-print, pag-photocopy at pag-laminate basta para ito sa pagtuturo sa mga estudyante.
Bukod sa mga nabanggit, panalo rin aniya ang suweldo na 280,000 Japanese Yen o mahigit P110,000 kada buwan, na kayang-kayang makabuhay ng pamilya.
Kada taon din daw ay may taas sahod sila at puwedeng dalhin sa Japan ang asawa at anak.
Mayroon din daw silang 20 araw na paid leave at sick leave.
Hindi raw siya nag-apply sa agency kundi sa Japan Exchange and Teaching (JET) Programme sa Japan Embassy kaya garantisadong walang babayarang placement fee at maging ang tiket sa eroplano ay libre. (IS)
Bukod sa 110k sahod monthly Dali pa ng requirements kahit anu 4yr course at wala pang agency! Tapos ganda pa ng Japan! Ubos ang skilled employees at Dadapa ang mga industriya natin!
pic.twitter.com/iroNRakASs
— Johnny Tamad
(@johnnytamad) July 13, 2023
See Related Story Here:
Diamond na hikaw ni Sylvia Sanchez, nawala sa Japan
The post Hindi required ang lesson plan! Pinoy ibinida magaan na trabaho bilang guro sa Japan first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento