Ilang lugar na ang nag-anunsyo ng suspensyon sa klase at trabaho sa opisina ngayong Huwebes, Hulyo 27, dahil sa bagyong ‘Egay’.

Narito ang listahan ng mga lugar na nag-anunsyo ng suspensyon ng klase at trabaho sa opisina.

Lahat ng antas, public at private:

Angeles City, Pampanga

Benguet (kasama ang trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan)

Baguio City (kasama ang trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan)

Cagayan

Calanasan, Apayao

Calasiao, Pangasinan

Ilocos Sur (kasama ang trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan)

La Trinidad, Benguet (kasama ang trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan)

La Union (kasama ang trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan)

Samantala, inaasahan naman ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na lalabas ang bagyong ‘Egay’ sa Philippine Area of Responsibility ng Huwebes ng umaga.

(CS)

See Related Story Here:

Benguet Rep. Yap pasaklolo para sa mga nasalanta ni ‘Egay’

The post Ilang lugar kanselado ang klase, trabaho dahil sa bagyong ‘Egay’ first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT