Bumaba ang naitalang inflation ng bansa sa buwan ng Hunyo.

Ito ang inihayag ng Presidential Communications Office (PCO) kaugnay sa patuloy na pagbabantay sa paggalaw ng presyo ng mga bilihin sa bansa.

Mula sa 6.1% noong Mayo, naitala sa 5.4% ang inflation nitong Hunyo, mas mababa ng 0.7%.

“Bumaba ang inflation rate ng bansa sa 5.4% para sa buwan ng Hunyo mula sa 6.1% noong Mayo,” saad ng PCO.

Ayon sa PCO,pangunahing dahilan sa pagbaba ng inflation ay ang pagbagal ng presyo ng mga pagkain at non-alcoholic beverages, gayundin sa pag-transport ng mga produkto at serbisyo.

Matatandaang inihayag ni Finance Secretary Benjamin Diokno na batay sa kanilang pagtaya ay pababa na ang trend ng inflation dahil unti-unti na umanong nakakabangon ang ekonomiya ng bansa. (Aileen Taliping)

See Related Story Here:

PBBM: Bumabang inflation patunay na tama ang ginagawa ng gobyerno

The post Inflation humuhupa na – PCO first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT