Isang tao na ang nasawi dahil sa bagyong ‘Egay’, ito ay ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Bukod sa nasawi, dalawang katao naman ang naiulat na nasaktan.

Samantala, 44,356 na pamilya na o 180,439 na indibidwal ang apektado ng bagyong ‘Egay’ sa walong regions, 21 provinces, 65 cities/municipalities at 261 barangays.

Dagdag pa rito, 8,949 na pasahero, 1,745 rolling cargoes, 79 vessels at 25 motor bancas ang stranded sa 97 na seaports.

Nakaranas naman ng power outage ang 51 cities and municipalities sa Regions 1, 2, Calabarzon, Mimaropa, 5, 6 at 8 ngunit anim dito ay naibalik na ang power kaninang umaga.

(CS)

See Related Story Here:

PBBM: Tulong, ayuda sa mga sinalanta ni ‘Egay’ nakahanda na

The post Isa dedo dahil sa bagyong ‘Egay’ first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT