Hindi sinabi ni House Secretary General Reginald Velasco sa media kung sino ang kakanta ng national anthem sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 24.

“Surprise eh, kasi gusto ng tatlong grupo– Senate, House of Representatives, and the Office of the President, gusto naman nila may excitement. So ano yun, surprise din,” sabi ni Velasco.

“Ang tip ko, isang tao lang yung kakanta…Of course kilala,” dagdag pa ni Velasco.

Nang tanungin kung sikat ito, sagot ni Velasco, “Palagay ko sikat naman yun.”

Sa unang SONA ni Marcos noong nakaraang taon, isang choir mula sa Ilocos region ang kumanta ng Lupang Hinirang sa plenaryo ng Kamara. (Billy Begas)

See Related Story Here:

Ex-President Duterte dadalo sa SONA

The post Kakanta ng national anthem sa SONA, surprise – House exec first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT