Mukhang may napagod na sa paglalaro ng lato-lato at isinabit na lang ito sa kable.

Sa ibinahaging larawan sa Twitter ni Jilson Tiu, makikita ang lato-lato na nakasabit sa kable. Hirit naman ni Tiu ay “may napagod na”.


May kaniya-kaniya namang hirit ang ilang netizen matapos makita ang larawan.

“lato lato sa langit”

“M Napagud siguro kasi bogbog na yung kamay”

Samantala, kamakailan lang ay inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na mangungumpiska na sila ng laruang lato-lato.

Ayon kay DTI Usec. Ruth Castelo, bawal ang pagtitinda ng mga naturang laruan dahil wala itong certificate of product notification.

(CS)

See Related Story Here:

TELEBABE FAYE TINURUAN MAGLATO-LATO SI MR. FU

The post Lato-lato naispatan na nakasabit sa kable first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT