Matindi ang pinagdadaanan ngayon ng isang magandang aktres dahil may ‘other woman’ daw ang mister nitong politician.

Sa ‘Marites Academy’ ng Abante News Online, naging blind item ang aktres na umalis sa Pilipinas kasama ang anak nila ng politiko dahil ayaw maiskandalo sa naging kabit ng kanyang asawa.

“Ang aktres, lumipad sa ibang bansa ngayon, pati anak nila dinala sa ibang bansa para doon mag-aral para makaiwas sa eskandalo sa kanilang tahanan,” wika ng ‘Marisol Academy’ host Pilar Mateo.

Maganda raw at magaling umarte ang aktres, ngunit nag-lie low na ito sa showbiz.

Ang ibang babae naman ng politiko ay nagmistulang dyowa na dahil nakikisabay na ito sa kotse ng kanyang lover.

“Yung involved na girl, feeling niya ngayon siya ang dyowa nung asawa kasi doon nagtatrabaho sa bahay, sumasabay sa kotse nung government official,” sey pa ni Mateo.

Sa ngayon ay nasa Amerika umano ang aktres para pahupain ang galit nito sa kanyang mister.

“Nasa US daw ngayon ang aktres at nagpapalipas ng sama ng loob,” ayon sa showbiz journalist. (RP)

See Related Story Here:

The post Legal wife na aktres pa lumayo! Kabit feeling dyowa sa politician first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT