Tinukuran ni dating LPGMA party-list Rep. Arnel Ty ang Department of Energy (DOE) sa mahigpit na implementasyon ng LPG Industry Regulation Act (Republic Act 11592) para sa kaligtasan ng mga konsumer.

Ginawa ni Ty ang pahayag habang naghahanda ang DOE sa pagpapatupad ng RA 11592 simula sa Hulyo 8. Sa ilalim ng batas ang lahat ng kalahok sa LPG industry ay dapat kumuha ng License to Operate (LTO) na siyang titiyak na nakasunod ang mga ito sa itinakdang panuntunan.

Ang LTO ang pumalit sa Standards Compliance Certificate (SCC) requirement. Ituturing na iligal ang operasyon ng isang LPG player kung wala itong LTO.

“It is disheartening to witness certain groups repeatedly requesting extensions, as they are the ones failing to meet the requirements outlined in RA 11592,” sabi ni Ty.

Sa ilalim ng panukala, dapat kumuha ng partikular na LTO ang isang kompanya o indibidwal na mayroong planta o nagtitinda ng LPG bago ito mag-operate.

“Groups that fail to meet simple requirements such as BIR Registrations, Business Permits, and Fire Safety Inspection Certificates (FSIC) not only jeopardize their own operations but also undermine the integrity of the industry as a whole,” dagdag pa ni Ty.

Ang mga negosyo na mayroong LTO ay maaari lamang makipagnegosyo sa ibang kumpanya sa industriya na mayroong ding LTO. (Billy Begas)

See Related Story Here:

Regasco bawas presyo ng P5 kada kilo ng LPG

The post LPGMA tinukuran maigting na implementasyon ng LPG law first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT