Binabantayan ang Marikina River na patuloy ang pagtaas dahil sa bagyong Falcon nitong Sabado ng gabi.
Sa video ni TeleTabloid reporter Jonas Sulit, makikita na lampas 16 meters na ang taas ng ilog.
Muling tumaas ang level ng tubig sa Marikina River ngayong Sabado ng gabi dulot ng malakas na pag-ulan dala ng bagyong ‘Falcon’.
Itinaas na sa ikalawang alarma ang lugar kung saan pinatunog na rin ang sirena bilang hudyat para bigyang babala ang mga residente rito.
Jonas… pic.twitter.com/IIupNSumxZ
— Abante News Online (@AbanteNews) July 29, 2023
Batay sa huling datos ng Public Information Office ng Marikina, nasa 16.2 meters na ang taas ng ilog bandang 7:38 ng gabi.
Dahil dito’y nakataas na ang second alarm sa Marikina River.
Kapag umabot sa 18 meters ang taas ng Marikina River ay itataas ang third alarm, na ibig sabihin ay ipo-force evacuate na ang mga residente malapit sa ilog. (RP)
The post Marikina River patuloy pagtaas, sinailalim sa second alarm first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento