Magmimustulang ‘Sparta’ nga kaya sina Mark Zuckerberg at Elon Musk sa kanilang pinaghahandaang bakbakan?
Sa report ng TMZ, naiulat na kinontak umano ang Facebook/Meta CEO ng mismong government official sa Italy parapag-usapan umano ang naturang laban kontra kay Musk.
Balak umano ng Minister of Culture ng Italya na sa Rome Colosseum ganapin ang laban.
Matatandaan na nag-tweet ang Twitter owner na si Musk kung saan nagparinig na ito tungkol sa laban sa Colosseum.
“Some chance fight happens in Colosseum,” wika ni Musk.
Ayon sa source ng TMZ, pinakausap umano ni Zuckerberg ang Italian government official kay UFC president Dana White tungkol sa laban.
Ngunit ang balita, kinontra ng Ministry of Culture ng Italy.
“There has been no formal contact from the ministry nor any written document, even if the news appears tasty it is unfounded,” ayon sa inilabas na pahayag ng Ministry of Culture. (RP)
See Related Story Here:
Elon Musk, Mark Zuckerberg magbabakbakan sa isang cage fight
The post Mark Zuckerberg, Elon Musk matunog bugbugan sa Rome Colosseum first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento